Maraming kinakaharap na suliranin ang ating bansa, at isa ang Kahirapan sa mga mabibigat na problema ng ating lipunan sa kasalukuyang panahon. Madalas nating nasisi ang pinuno ng bansa , pero sila nga ang ba talaga ang may kasalanan?
May iba’t-ibang rason kung bakit patuloy parin ang paghihirap ng ating bansa, subalit hindi ibig sabihin nito na dapat na tayong panghinaan ng loob at sumuko na lamang. Kung mananatili lang tayo sa kung ano ang meron tayo ngayon, hindi natin mapapaunlad ang ating sarili, at kasabay na din nito ang patuloy na paghina ng ating ekonomiya sa Pilipinas. Walang mangyayari, walang makakamit na progreso ang ating bansa. Kung nanaisin nating lahat na makamit ang kaginhawaan at maiunlad ang ating bansa mula sa kahirapan, hindi ito imposible kung magtutulungan lang tayo na makamit ito. Dahil hindi naman magagawa ng iisang tao lamang ang pagbabago ng isang bansa. Tayong lahat ay dapat gumalaw para makamit ang pagbabago. Dapat hindi natin pairalin ang ating katamaran, dahil may kasabihan nga “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”.
Ang mahirap lang kasi , ang karamihan sa atin pag may pangit na nangyari sa buhay nila, sa gobyerno nila isinisisi. Wala silang makain, gobyerno ang sisisihin. Hindi sila nakapagaral, gobyerno na naman may kasalanan, wala silang trabaho, gobyerno nanaman. Minsan nakakapagtataka tuloy kung bakit yung ibang tao na nagmula din sa buhay na salat sa kaginhawaan, ngunit dahil sa pagsisipag ay nakaahon. Dapat bago tayo magreklamo, itanong muna natin sa ating saili na; Binigay ko na ba ang lahat ng makakaya ko?, Tama na ba ang pagsisikap ko? Hindi naman pwedeng iasa nalang natin sa gobyerno ang magiging kinabukasan natin, dahil sa bandang huli tayo parin ang may hawak ng sarili nating tagumpay.
Pagsisikap nga ang kailangan, kapag may pagsisikap lahat ng magagandang kaugalian ay susunod na. Kapag matututong magtiyaga at magsipag ang isang tao, hindi malayong makakamit nya ang kanyang mga mithiin. Hindi malayong makakaahon siya sa kahirapan.
Kumilos na tayo hangga’t maaga pa. Masosolusyunan natin ang kahirapan basta tayo ay magtutulungan. Kaya kung ako sayo simulan mo nang pagsumikapan na makamit ang minimithi mo. Huwag na natin hintayin pang mas may malalang mangyari, hindi na natin kailangan pang maghintay ng tamang panahon, dahil ang tamang panahon para umaksyon ay “NGAYON”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento